Oldtrack; First song with Jiselle. A talented femcee :)
Keira:
Anong karapatan mo ngayon para manghusga nang tao
Sarili mo dinidiin pagdating sa panloloko
Ni wala ka ngang ideya kung paano magmahal
tanging alam mo lang ay manakit at manakal
Mga salita mo ay umuurong sa huli
sa ginawa mong yan ayaw ko nang magmahal muli
magsikap man ako di mo magawang pahalagaan
paano ka mag aalaga kung puro ka kasalanan
Luha lang binabalik mo sakin araw araw
at sa pagod nang umiyak bangungot dumadalaw
Wag kang magtataka kung biglang ang karma'y dumaan
mararanasan mo ang masaklap na karma'y gantihan
Pagmamasdan kita habang bumabalik sayo ang sakit
di kita matutulungan kahit sakin ka kumapit
di nako manghihinayang iwanan ang nakaraan
naniniwala akong may tao din sakin nakalaan
Ang pwede mo gawin ay magsisi sayong nagawa
paasahin na isang araw na magiging masaya
akala ko kompleto na ang buhay ko sa piling mo
ngunit natauhan na di lang ikaw ang lalake sa mundo
Isang araw hihingi ka din sa akin nang patawad
pero malayo na ako at ibang pangarap tinutupad
Malaya na ako at mag isang lumilipad
Check mo lang updates ko sa iyong magaling ipad
--
Jiselle:
Bakit ba ang relasyon 'di pwedeng walang lokohan
walang iiyak at wala rin na masasaktan
katwiran ng iba kasama daw talaga yan
bakit planado din ba ng Dyos tayo ay mahirapan?
'Di ba nasa Dyos lang ang awa, nasa tao ang gawa
kaya't ang manloko, manakit, tao sya ang may gawa
sa una masaya, sa una maligaya
hindi magtatagal ika'y paluluhain na
Bakit ba nagmamahal kung 'di kaya panindigan?
talagang may tao lang masaya na 'pag may nasasaktan
tamis ng halik sa una lang 'to mararanasan
tamis ng yakap sa una mo lang mararamdaman
Sa bandang huli s'ya din pala sa'yo ay lilisan
pagkatapos ang lahat bigla ka na lang ay iiwanan
pangangakuan ka gamit ang matamis na salita
ngunit ngayon ang kulang na lang ikaw ay isuka!
'Di bale makakasalubong mo na ang 'yong karma
triple pa ito kesa sa iyong mga nagawa
Lahat ng kasalanan ay merong kabayaran
Ang karma mo sana'y ito ay iyong makayanan
Wala kang pakundangan kung gumawa ng mali
Magsisi ka man, huli na wala na 'tong silbe
Oh, Panginoon kayo na lang po bahala sa kanya
Ibigay n'yo po ang karapat dapat na sistensya