Handa akong mahalin ka, lahat ay nilaan na
lahat natatamo 'ko 'pag nakasama ka
saya na 'kala ko 'di ko maaarok nasa'yo na
wala 'ko maililihim pa dahil ikaw na
Nag iisa ka sa akin, ganon ka din sa akin
ang maghiwalay pa'y malabo'ng mangyari sa'tin
matibay samahan natin na pinaghirapan
tayong dalawa nakabuo ng ating pagmamahalan
Tanda mo pa sumpaan natin idala sa simbahan
patunayan sa Maykapal ating nararamdaman
Walang halong biro, puro katotohanan
milyong taon man ang dumaan, ikaw ay ipaglalaban
Matindi pa 'to sa lakas ng mga alon
madapa man ako, babangon at aahon
Walang makakapigil sating dalawa magsama
Mabuhay man ulit ako ating landas itatama
--
Ang awit na ito para sa'yo
kung nasaan ka, sana marinig mo
Himig nang pag-ibig natin dala-dala ko
Asahan mo'ng hindi ako magbabago
--
Dumating na ating hangganan, sa'ting pagmamahalan
'di sukat akalain maglalaho lahat ng ating pinaghirapan
Ang boses na ngayon di mo naririnig
kahit ilang hiyaw ko at walang makadaig
walang makaramdam, walang makaalam
Nilisan mo 'ko nang walang paalam
--
Hindi pa 'ko handa sa gantong pag-ibig
yung tipong nawalan ako ng pag-ibig
Yumaon ka na sa mundong 'to'ng 'di ako kasama
Pano ako mabubuhay - kung wala ka
Kung mula ng umalis ka mag isa na ako
hinakot mo na alaala at kaluluwa ko
Ng lumayo ka sakin, dinala mo puso ko
Sabihin mo sakin paano na buhay ko?