Parang kisapmata
Ang pagdating ng umaga
Sa pagsikat ng araw
Unang nasilayan ay ikaw
Mga mata'y ikaw ang hanap sa bawat sulyap
Oh mararating ang langit
Maaabot ang buwan
Bituin ay parang kay lapit
Titigil ang ulan
Dahil ngayo'y kasama ka
Ang mundo'y sumisigla
Para nang nasa langit
Sa tuwing kasama ka
Kahit isang saglit
Hindi mawaglit sa isip
Ang bawat alaala
Na ikaw ay kasama
Di na ako sanay na mag-isa
At sisikat ang araw
Sa sandaling ikaw ay matanaw
Parang ako ay nasa alapaap