anupzzzkii!! ano pa!! medyo kumalat lang ung sampol neto..eto na ung orig...salamat..
IKAW AT AKO
beat by: anong beat?! ano pa!!
hooo.oohhhh...yeeahhh....ikaw at ako..
1st verse
ikaw at ako..wala sating makakahadlang
at tatahakin natin ng sabay ang bawat harang
pagkat tayong dalawa lang ang cyang nakatakda
at gagawin ko ang lahat wag ka lang sakin mawala
pagkat ikaw ang nagbibigay sakin ng lakas
at pangako ko sayo pagmamahal ko'y hindi kukupas
dahil sayo ko nakita pagmamahal na tunay
andito lang ako sayo laging nakaagapay
hawak, kamay natin na haharapin ang mga pagsubok
sabay nating lalabanan ang lupit ng bawat dagok
ng mga problema na satin ay dumarating
para makamtan natin ang natatanging hiling
na ikaw at ako tayong dalawa pang habang buhay
handa kong itaya sayo mahal ang aking buhay
dahil ikaw ang nagsisilbi kong inspirasyon
at kailan man dko hahayaan ang ating relasyon
2nd verse
ikaw at ako tayong dalawa sa pagmamahalang kay tamis
mahal kita mahal mo ako wala na sa ating lilihis
nang direksyon dahil alam ko na tayo na ngang dalawa
ang itinakda nang panginoon wala na sa ating makakagiba
at walang mag iiba dahil tayo na ay nangako
na tayoy magmamahalan susubukang maging perpekto
ang relasyon na tayong dalawa ang nagtayo
hindi ko makakaya kung sakin ikaw ay lalayo
kaya higpitan ang kapit wag ka saking bibitaw
aking mahal pakinggan mo na sayo ko lang isisigaw
na mahal na mahal kita hindi magsasawang sabihin
dumating man ang panahon na, tayong dalaway mawalan ng ngipin
dahil sayo ko lang nakita ang pagmamahal na tunay
nang makasama kita mundo koy nagkaroon nang kulay
sanay wag ka ng mawalay dahil di ko makakaya
ang isang katulad mo sakin ay nagbigay ligaya
chorus
ikaw at ako...magpakailanman
di na to mawawala pa kahit ano ang kakahantungan
mahal na mahal kita...at iyon ang laman ng puso ko
dahil d ko kaya kapag nawala ka dito sa buhay ko..oohhh
3rd verse
ikaw at ako..sabay nating haharapin, ano mang mga hamon ng bukas
hahanapan natin ng mga butas, problemay gagawan ng mga lunas
dahil, hinugasan mo at, pinunasan mo ang.
luhat lungkot ng mga mata ko
ikaw nagpawala, ng mga kaba ko
at ang dalawang paa ko, pinalakad mot tinuraan kung papaano ba..
humakbang sa pagsubok,pag nawala ka paano na
ang buhay ko na to..kailangan ka ng puso ko na to
nawawala ang mga lumbay ko, kapag ikaw na ang nakikita ko
kapag ikaw na ang kasama ko, aking mahal asawa ko
aking naki-ki-ta sayo, ating mga anak at mga apo
kasama ka saking dasal, pagibig ko ay totoo
handa na lahat sating kasal, kulang na lang ay ang oo mo
upang marating na, natin ang, kay tagal, na inaasam
handang harapin ang hirap ng buhay..lahat lalagpasan
kasunod ay, ligayat saya na sanhi ng pagmamahalang bumusilak
kung hindi ako para sa iyo, sa pagmamahal mo ako ay magsusumikap
4th verse
ikaw at ako sabay naten na lalabanan ang agos ng ating panahon
haharapin ang mga darating ng pagsubok at bawat pagkakataon
upang ating maisakatuparan ang mga pinapangarap nuon
isang tabi ang mga kalungkutuan na sati'y ipinapadanas ngayun
wag kang matakot wag mangamba, hawakan ang aking mga kamay
pagibig ko ay nakadikit sa iyo, at kailanman hindi mamamatay
dahil ikaw ang nagsisilbing li -wanag sa patutunguhan ng buhay
at sana ako naman ang liwanag na maggagabay sa mundo na makulay
para sa aten o kung sakali man na magkakaroon ng pamilya
handa kong ipaglaban lahat makamit lang ang buhay na ikaw ang kasama
dahil ikaw, rin ang kumumpleto, ng buhay ko na itinalaga
na makasama ka hanggang sa dulo ng buhay pagibig at kaluluwa
kaya hayaan mu, na ipadama, ko sa iyo ng lubos
ang pag mamahal ko na walang kasing init at hindi pwedeng malaos
kahit sa, patuloy na paglipas ng bawat araw minuto at oras
kamatayan lang magbubuklod sa akin at sa itinuturing ko na rosas
(repeat chorus)
5th verse
ikaw at ako ang magiibigan hangang sa dulo hangang sa wakas
kahit madalas tayong mag away nadon parin ang mga lakas
upang abutin ang mga pangarap sating dalawa walang ni isa
ang kumalas tayong dalwang lang dito ang sya talagang itinalaga
na kapag nalulungkot ka nandito ako magpapasaya
nakikita kang nahihirapan para akong sinasalanta
pagkat pawang mga ngiti mo tangi saking gumugunita
upang mabuhayan ng pag asa tanging ikaw ang kasama sinta
bawat segundo kumakalabog ang dibdib ko sa pag tibok
tuwing nakikita nasisilayan agad akong napapalunok
nakakalimutan ang problema nakakgaan ng mga pagsubok
ako at ikaw tloy tuloy hindi bibitaw hangang umiikot
ang mundong ginagalawan humawak lang saking kamay
at kailan man ikaw at ako hinding hindi ibibigay
sa iba oh sa knila sino pa man ang magtangka
paghiwalayin ang landas natin hindi nila to magagawa
(dahil sa akin ka)
last verse
ikaw at ako sumumpa sa pag-ibig nating dalaway wala ng hihiget
at d kayang paglayuin ng tadhana maging matamis o maging mapaet
dahil taglay mo... at taglay ko ang lambingan na d makita ng iba
at di natin hahayaan nasa relasyon nating dalaway merong pang gumiba
oh kay sarap.. isiping kasama kita sa lahat ng pangarap nato
ang maikasal mag ka bahay tayong dalawa at mag ka anak ng walo
hindi ba ito.. ang klase buhay na dati mo pa gusto na makamet
ikaw lang babae sa puso ko ma asahan mo na wala kang kapalit
sa piling mo.. nadama ko ang tunay na ligaya na walang humpay
sa piling ko.. d mo nadama.. ang malungkot o maging malumbay
ang tagumpay.. nating dalaway kailan may hindi kaya na masukat
ikaw ang naging inspirasyon ko at laging laman ng aking mga sulat
di ko na masukat.. pagmamahal ko sayo. kahit itaga mo pa to sa bato
itoy totoo.. pina pangako ko sayo lamang nahuhulog ang tulad ko
ikaw at ako sabay natin sasalubungin ang mga panibagong bukas
walang mga oras satin ay lilipas ang pag-ibig mo sa puso ko ay di lilikas
(repeat chorus) 2x
ikaw at ako...